Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa PSB
Upang mapanatiling buhay ang paggamit ng wikang Filipino sa ating mga mag-aaral, isang programa ang ginanap sa pagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa noong ika-31 ng Agosto na may temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.
Nakilahok ang mga mag-aaral mula sa lahat ng baitang sa mga iba’t-ibang paligsahan gaya ng pagdisenyo ng bulletin board, pagsulat ng sanaysay at pagbuo ng tula, himig Pinoy at likhang awit, paggawa ng poster at talumpating orasyon. Nagpamalas din ng kakayahan sa pag-awit at pagsayaw ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t-ibang baitang, ang Banyuhay Dance Troupe at ang mga guro.
Ang punungguro ng hayskul na si Dr. Ferdinand J. Epoc ay nagbigay ng mensahe na nagpapahayag ng paghimok sa mga kabataan ukol sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pagkakabuklod ng lahat ng Pilipino bilang iisang bansa.